Lalo pa umanong pagbubutihin ng Apayao Eagles Taekwondo Club ang kanilang mga pagsasanay para sa international competitions sa hinaharap.
Ito ay matapos na makuha ang nasabing club ng individual at team awards sa International Taekwondo Competition in Malaysia.
Sinabi ni Ruth Viernes, ang head coach, tanging ang kanilang club ang kalahik sa nasabing kompetisyon, tampok ang mahigit 3,000 athletes mula sa 16 na mga bansa.
Ipinagmalaki ni Viernes na nakuha ng Apayao Eagles ang over-all 1st runner-up sa Poomsae event at natanggap din ang High Performance Award.
Iniuwi ng Apayao Eagles Taekwondon Club ang 16, gold, 7 silver, at 6 bronze o kabuuang 29 medals mula sa nasabing kompetisyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Viernes na isinama din nila sa grupo ang tatlong atleta mula sa bayan ng Allacapan, Cagayan matapos na hindi sila masamahan ng kanilang coach dahil hindi siya nakakuha ng travel order.