Idineklara ang state of calamity sa lalawigan ng Apayao araw ng Biyernes dahil sa malawakang pagbaha na dulot ng mga pag-ulan na dala ng cold front at amhihan.

Sa pamamagitan ng special session ng Provincial Board sa pangunguna ni Vice Governor Remy Albano ay napagdesisyonang isailalim ang Apayao sa state of calamity.

Kinumpirma ni Congressman Elias Bulut na dalawa ang nasawi sa Apayao dahil sa landslide na sina Provincial Board Member na si Butz Mangalao at Police Corporal Rommel Gumidam.

Namatay sina Mangalao at Gumidam matapos gumuho ang lupa sa bahay na kanilang tinutuluyan sa bayan ng Kabugao nadadalo sana sa isang assembly sa Brgy, Namaltogan.

Samantala, patuloy ding pinaghahanap ang treasurer ng Brgy. Karagawan sa Kabugao.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Bulut na unsual ang baha na nararanasan ngayon sa malaking bahagi ng Apayao dahil sa limang araw na walang tigil na buhos ng ulan.

Ayon sa kanya, lahat ng low lying areas sa Apayao ay binabaha kung saan putol din ang linya ng kuryente at komunikasyon sa malaking bahagi ng Apayao.

Hindi pa alam ang halaga ng pinsala ng pag-ulan at pagbaha sa lalawigan dahil marami sa mga kalsada ang sarado bunsod ng lansdlides.