Naniniwala si dating IBP Pres. Atty Egon Cayosa na malabong pagbigyan ng Supreme Court ang ihahaing apela sa pamamagitan ng Motion for Reconsideration ng bagong talagang Presidential Adviser for Poverty Alleviation na si Larry Gadon na tinanggalan ng lisensiya bilang abogado.
Bukod kasi sa isyu ng viral video clip kung saan minura ni Gadon ang isang journalist ay mayroon pa itong sampung kaso na pawang nakabinbin sa Office of the Bar at IBP.
Gayunman, sa oras na mapagdusaan ni Gadon ang ipinataw na disbarment ng ilang taon ay maaari naman itong mabigyan ng Clemency ng Korte Suprema kung makitaan siya ng pagsisisi at paghingi ng tawad sa mga tinukoy niya noon sa kanyang mga naging tirada.