
Naghain na si dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca ng kaniyang counter-affidavit kaugnay ng reklamong obstruction of justice na isinampa laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay Atty. Kristoffer Purisima, legal counsel ni Aplasca, isinumite ng dating opisyal ang kaniyang sagot noong Hulyo 9 kaugnay ng reklamo sa umano’y pagtulong sa pag-alis ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa loob ng Senado sa kabila ng arrest warrant ng International Criminal Court.
Kabilang sina Aplasca, Senador Alan Peter Cayetano, at Senador Robin Padilla sa mga inireklamo ng ilang grupo dahil sa umano’y pagpigil sa pagpapatupad ng warrant laban kay Dela Rosa.
Nauna nang naghain din ng counter-affidavit si Cayetano noong Hulyo 8 habang patuloy pang hinihintay ang tugon ni Padilla.










