
Naniniwala si FSSupt Roygbiv Rugayan, Provincial Fire Marshal ng Cagayan na makakatulong ng malaki ang ginawa nilang app na tinawag na “Magilas Emergency Response App o ERA” para sa mas mabilis na paghahanap ng publiko sa emergency hotlines ng mga law enforces at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Sinabi ni Rugayan na binuo ang app upang magkaroon ng iisang basehan para hindi na malito ang mga mamamayan sa mga nagkalat na emergency numbers sa online at telebisyon.
Ayon sa kanya, laman ng app ang emergency hotlines ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Cagayan.
Ayon kay Rugayan, may tatlong hakbang upang magamit ang app
Una ay buksan ito at piliin ang “’explore”; pangalawa piliin ang “state emergency” o kasalukuyag suliranin at kung anong ahensiya ng gobyerno ang tatawagan, at pangatlo pindutin ang “call button” kung saan magpapakita ang hotline number ng BFP, PNP, o MDRRMO sa mga munisipalidad na kinaroroonan.
Subalit, sinabi niya hindi maaaring gamitin ang app sa keypad na cellphone sa halip ay sa android at dapat na may load upang makatawag sa emergency hotline.
Tiniyak rin ni Rugayan na mayroong tutugon sa mga tawag dahil ang mga numero na ilalagay sa App ay pawang mga aktibong hotline number.
Ayon sa kanya, inabisuhan niya ang mga may emergency hotlines na agad na ipaalam sa kanya kung magbabago sila ng number upang agad din itong mabago sa app.
Maaari namang i-download ang app sa play store para sa android mobile phone.










