TUGUEGARAO CITY- Umaasa si Engr. Rod Cruz, national chairman ng Arangkada Riders of the Philippines na pagbibigyan ang kanilang panawagan at apela na itigil ang pagpapatupad ng paglalagay ng barrier sa mga motorsiklo.
Iginiit ni Cruz na hindi ligtas ang barrier dahil sa magdudulot lamang ito ng aksidente.
Bukod dito, sinabi niya na hindi rin praktikal dahil sa kailabngan na gumastos para makabili ng barrier at dagdag gastusin na kailangan na mamasahe na lang ang dapat sana ay iaangkas kung walang barrier.
Kaugnay nito, sinabi ni Cruz na siya ang nakatakdang magsasalita para sa mga grupo na tutol sa nasabing barrier sa August 11, 2020 sa inihain nilang Petition for Certiorary.
Umaasa siya na makakakuha sila ng Temporary Restraining Order para ipatigil ang nasabing hakbang.
Matatandaan na ngayong araw ay sinimulan na ng mga otoridad ang paghuli sa mga motorsiklo na na may nackrider na walang barrier.