TUGUEGARAO CITY – Umapela si Archbishop Sergio Utleg ng archdiocese of Tuguegarao sa sinumang grupong nagpapakalat ng leaflets na nag-uugnay sa kanya at sa 6 na iba pang pari sa komunistang grupo na itigil na ito.
Sa panayam ng Bombo Radyo, itinanggi ni Archbishop Utleg na isa siyang komunista at binigyang diin na walang komunistang pari.
Sinabi ni Archbishop Utleg na blangko siya sa motibo dahil wala naman siyang ideya kung sino ang nagpapakalat ng naturang leaflets sa lalawigan ng Isabela.
Samanatala, tumanggi namang magbigay ng komento si Fr. Manny Catral na isa sa mga tinukoy na kabilang sa komunistang pari hanggat hindi nakikita ang leaflets.