TUGUEGARAO CITY-Naglabas ng mga panuntunan ang Saint Peter Metropolitan Cathedral sa lungsod ng Tugueagarao sa mga dapat gawin at hindi dapat gawin sa loob ng simbahan bilang paghahanda at pag-iwas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Father Dennis Ordillos, chancellor at secretary ni Archbishop Ricardo Baccay ang bagong talagang arsobispo ng Archdiocese of Tuguegarao, ilan sa mga derektiba ng arsobispo ay pansamantalang iwasan ang paghalik at paghawak sa mga imahe sa simbahan.
Maging ang pagkuha ng holy water sa holy water font o stoup at pagmamano sa mga pari ay pansamantalang ipinagbawal ng simbahan.
Dagdag pa ni Father Ordillos, magdi-disinfectant sila sa loob ng simbahan tulad sa mga upuan ,tables , microphone at iba pang gamit para matiyak na malinis ang mga ito.
Pinayuhan rin nito ang publiko na huwag magbahagi ng mga maling impormasyon o “fake news” na sanhi ng pagkabahala o pagpanic ng iba.
Sakabila nito, hinimok ni Ordillos ang lahat na maging mahinahon at huwag kakalimutang magdasal para mailayo sa anumang kapamahakan.