Ipagpapatuloy ng grupo ng archeologist na si Dr. Armand Mijares ang expidition ng paghahanap sa mga buto ng Homo Luzonensis o Ubag na isa sa bagong tuklas na uri ng tao at isa sa pinakamatandang specie ng tao sa Southeast Asia.

Ayon kay Cagayan Museum Curator Kevin Baclig, anim na linggo ang expedition ng grupo kung saan hindi na sa lugar kung saan nahukay ang bahagi ng Homo Luzonensis ang kanilang huhukayin.

Aniya kung pagbabasehan kasi ayon sa pag- aaral at pagtaya ni Mijares sa level at daloy ng tubig sa Callao cave noong unang panahon, maaring umanong naianod na sa ibang parte ng kuweba ang ilan sa parte ng buto ng naturang species ng tao.

Matatandaan na 2007 nang nakahukay ang grupo ni Mijares ng ngipin at buto sa di pa kilalang uri ng tao na base sa unang pagtaya ay pinaniniwalaang higit 67,000 taon ang edad at pinangalanang Homo Luzonensis,

Ngunit lumalabas na 134,000 years old na pala ang Ubag o ang Homo Luzonensis batay sa uranium based na isinagawa sa mga nahukay na buto noong nakaraang taon

-- ADVERTISEMENT --