Callao cave,Peñablanca,Cagayan

Muli umanong magsasagawa ng paghuhukay sa Callao cave sa Peñablanca,Cagayan ang mga archeologists na nakadiskubre sa mga buto at ngipin ng mga sinaunang uri ng mga tao na tinawag na Homo luzonensis na nabuhay umano ng 67,000 ang nakalipas .

Sinabi ni Jennifer Baquiran,museum curator ng Cagayan na una nang sinabi sa kanila ni Professor Armand Mijares na nanguna sa paghuhukay na nais nilang mabuo ang kanilang mga diskubre.

Kaugnay nito,sinabi ni Baquiran na bibisita si Mijares sa lalawigan sa susunod na buwan kasabay ng Heritage Month Celebration.

Sinabi ni Baquiran na magandang pagkakataon nito upang mas maipakilala at maipaliwanag ni Mijares ang kanilang ginawang paghuhukay at reaserch sa mga nasabing fossils.

-- ADVERTISEMENT --