
Sikat ngayon sa China ang isang kakaibang app na pinangalanang “Are You Dead?”
Simple lang ang concept ng app.
Kailangan na tignan mo ito kada dalawang araw sa pamamagitan ng pag-click sa malaking button upang kumpirmahin na buhay ka pa.
Kung nakaligtaan mo na i-check ito sa loob ng dalawang araw, makikipag-ugnayan ito sa itinalaga sa iyo na emergency contact at ipapaalam na maaaring ikaw ay nasa panganib.
Inilunsad ang app noong buwan ng Mayo na noong una ay hindi pinapansin subalit biglang dumami ang nag-download nitong nakalipas na mga linggo lalo na ang mga young adults na mag-isang nakatira sa mga lungsod ng China.
Kalaunan ito na ang most downloaded paid app sa bansa.
Ayon sa research institutions, tinatayang aabot mahigit 200 million one-person households sa China ang magkakaroon ng nasabing app.
Sa kabila ng tagumpay ng app, marahil sa kakaibang pangalan nito, sinabi ng kumpanya na nasa likod nito, ang Moonscape Technologies na ikinokonsidera nila ang ilang pagbatikos sa pangalan ng app at pinag-aaralan nila ang bagong titulo para dito.










