Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Ariel Nepomuceno bilang bagong commissioner ng Bureau of Customs (BOC), kapalit ni Bienvenido Rubio.
Isinagawa ang panunumpa ni Nepomuceno nitong Lunes, Hunyo 30, ayon sa Presidential Communications Office.
Bago italaga sa BOC, nagsilbi si Nepomuceno bilang undersecretary ng Office of Civil Defense at Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kung saan siya naging aktibo sa mga isyu ng kalamidad at kahandaan sa sakuna.
Samantala, hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Malacañang hinggil sa pagpapalit kay Rubio.
Gayunpaman, matatandaang nanawagan si Pangulong Marcos ng “courtesy resignations” mula sa mga miyembro ng kanyang Gabinete bilang bahagi ng reporma at muling pagsasaayos ng pamahalaan.
Nagpasa naman ng kanyang courtesy resignation si Rubio bilang tugon sa panawagan ng Pangulo at bilang suporta sa mga planong reporma ng administrasyon.