Nadiskubre ng mga otoridad ang ibat ibang gamit pampasabog at kagamitan na pagmamayari ng New Peoples Army sa Sitio Anipan, Brgy. Mabuno, Gattaran, Cagayan

Ayon Major Rigor Pamittan ng 5th Infantry Division Philippine Army, kabilang sa mga nadiskubreng improvised explosive device ay isang live grenade rifle, M76 na may bull trap, isang bote ng ammonium nitrate fuel oil na may commercial detonating cord, isang 12V motorcycle battery, kalahating kilo ng ammonium nitrate, isang litro ng gasoline, isang electric blasting cap, isang toggle switch na may baterya at snap alligator clip, limang metro ng automotive wire, isang cellphone charger at isang set ng first aid kit.

Pinuri naman ni BGen Eugenio Mata, Commander, 502nd Infantry Brigade ang mga residente ng nasabing lugar sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa mga otoridad na nagresulta sa pagkadiskubre ng mga naturang kagamitan

Patunay aniya ito na wala ng puwang ang terorismo sa kanilang nasasakupan at sila ay hindi na katanggap-tangap sa nasabing lugar.