
Pinarangalan ng Army’s 10th Infantry Division o 10ID ang apat na retiradong heneral na dating namuno sa dibisyon sa isang homecoming tribute sa Camp General Manuel T. Yan Sr. sa Mawab, Davao de Oro.
Kinilala sina retired Gen. Noel Clement, retired Gen. Jose Faustino Jr., retired Lt. Gen. Ernesto Torres Jr. at retired Maj. Gen. Reuben Basiao bilang bahagi ng kasaysayan at tagumpay ng 10ID.
Layunin ng “Agila Tribute” na kilalanin ang ambag ng mga dating commander habang hinihikayat ang kasalukuyang mga tauhan ng dibisyon na ipagpatuloy at palakasin ang kanilang pamana sa serbisyo.




