Nagpadala ang Philippine National Police ng karagdagang mga personnel sa Davao City na itatalaga sa palibot ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) compound para tumulong sa paghahanap kay Pastor Apollo Quiboloy.
Sinabi ni Brig. Gen. Roderick Augustus Alba, the Davao regional command director for police community relations na dumating ang unang batch noong gabi ng Martes at sila ay mula sa ibang bahagi ng Mindanao.
Ayon naman kay Lt. Gen. Luis Rex Bergante, commander ng Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines, magpapadala din ang Army upang paigtingin ang operasyon na inilunsad noong August 24 para isilbi ang arrest warrants laban kay Quiboloy at apat na kapwa niya akusado sa kasong child abuse at human trafficking.
Ang reinforcements at kasunod ng patuloy na paghahanap ng PNP kay Quiboloy sa compound ng KJC na pinaniniwalaan na nagtatago siya sa isang bunker.
Sinabi ni PNP na hinahanap na nila ang pasukan ng bunkers sa compound, na susubukan nila na pasukin ng walang aberya upang walang masisira sa lugar.