
Naglabas ang korte sa Laguna ng arrest warrant laban kay businessman Charlie “Atong” Ang kaugnay sa kanyang pagkakasangkot sa kaso ng missing sabungeros.
Nahaharap si Ang sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping sa tatlong Regional Trial Courts sa Lipa City sa Batangas at Sta. Cruz at sa San Pablo, Laguna.
Inilabas ng Sta. Cruz, Laguna RTC Branch 26 ang arrest warrant laban kang Ang sa kasong non-bailable kidnapping with homicide.
Kaugnay nito, sinabi ng Philippine National Police na may teams na ng PNP ang magsisilbi ng warrant of arrest.
Sinabi ni PNP Acting Chief LtGen. Jose Melencio Nartatez na isisilbi ang arrest warrant laban kay Ang sa mga tukoy na lokasyon nito.
Bukod kay Ang, inilabas rin ang arrest warrant laban sa 17 iba na sangkot umamo sa missing sabungeros.
Sa dalawang hiwalay na kautusan, ipinag-utos din ng korte ang pag-aresto kay Ang sa kidnapping at serious illegal detention.
Kasamang ipinapaaresto sina Ryan Jay Orapa, Michael Claveria, Alfredo Andes, Michael Claveria, Rogelio Borican at Rodelo Anig-ig.
Matatandaan na idinawit ni whistleblower Julie “Dondon” Patidongan, na kilala ring si “Totoy” si Ang sa kaso ng missing sabungeros kung saan sinabi niya na pinatay ang nasabing sabungero at itinapon ang mga bangkay sa Taal Lake.
Sinabi ni Patidongan na ang kanyang dating boss na si Ang ang mastermind sa nasabing kaso.










