Ibinahagi ni Dan Anthony Dorado, assistant professor ng University of the Philippines ang kahalagahan ng pagkilala at paggamit ng Artificial Intelligence o AI.
Aniya, dahil bago pa lamang ang AI ay sinisimulan pa lamang itong ipakilala sa publiko kung saan nitong nakaraang taon lamang ito napasok sa pampublikong talakayan.
Paliwanag ni Dorado, na kinakailangang aralin ang AI hindi dahil mapapalitan tayo kundi mas magiging produktibo pa ang isang tao sa trabaho.
Inihalimbaw ni Dorado ang paggamit ng nasabing teknolohiya sa library kung saan sa pamamagitan nito ay mas mapapabilis na ang paghahanap sa impormasyon na kinakailangan kumpara sa traditional library na kailangan pang isa-isahin ang bawat pahina ng libro upang makakalap ng impormasyon.
Bukod dito ay magkakaroon din ng malaking impluwensiya ang nasabing teknolohiya sa iba’t ibang sektor sa bansa mula edukasyon, kalusugan, trabaho at negosyo kung saan magdadala ito ng maraming benepisyo at pagbabago na mag-aambag sa pag-unlad ng bansa.
Gayunpaman ay kinakailangan pa rin na magtakda ng mga regulasyon at gabay upang masiguro ang responsableng paggamit ng nasabing teknolohiya.
Ayon sa kanya, ang tamang pagsasanay at edukasyon tungkol sa AI ay mahalaga rin upang mapalawak ang pag-unawa at pagtanggap ng publiko sa teknolohiyang ito.
Sa kabuuan, sinabi niya na ang lumalawak na paggamit ng AI sa Pilipinas ay nagbibigay ng maraming oportunidad para sa pag-unlad at pagbabago sa pamamagitan ng tamang paggabay