
Hinuli si Police Senior Master Sergeant John Mollenido kahapon matapos na idawit ng isang suspek pagpatay kaniyang asawa na si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido, at walong-taong-gulang nilang anak.
Pero iginiit ng abogado ni John, sumuko ito at hindi hinuli.
Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD), kakasuhan din si John, na unang itinuring “person of interest” sa nangyaring pagpatay sa kaniyang mag-ina, kasama ang tatlong unang suspek na naaresto.
Bago arestuhin, tumanggi si John na magkomento matapos siyang idawit sa krimen ng car agent na unang nadakip ng mga pulis.
Ayon sa mga awtoridad, isa sa mga suspek ang boluntaryong nagdetalye sa nalalaman niya sa karumal-dumal na krimen matapos umanong makonsensiya.
Nangyari umano ang krimen at pagbaril kay Diane sa bahay ng mag-asawang isinasangkot din sa pagpatay sa mag-ina noong gabi ng January 16.
Ayon sa suspek, ipinatawag siya sa bahay dakong 8:00 at naghintay sa gate.
Nakita umano niya ang suspek na agent na pumasok sa bahay na may kasamang babae na hindi niya kilala.
Pagkaraan ng ilang oras, nakarinig niya ng malakas na tugtog sa loob ng bahay at nasundan ng tila putok ng baril.
Nang tingnan, nakita umano niya ang hindi niya kilalang babae na binaril pala, habang ibinabalot naman ng mag-asawa sa plastik ang katawan ng anak nito at inilagay sa bodega.
Binalaan din umano siya na manahimik para hindi siya isunod.
Nakita ang bangkay ni Diane noong January 24 sa Pulilan, Bulacan, na may tama ng bala sa ulo.
Ang anak niyang si John Ysmael, nakita naman sa calamansi farm pagkaraan ng limang araw sa Victoria, Tarlac.
Ayon sa pulisya, asphyxia due to suffocation ang ikinamatay ng bata.
Nadakip ang tatlong suspek nitong Biyernes sa isang bahay sa Novaliches, Quezon City.
Kabilang sa mga suspek ang isang dating pulis.
Nakita naman sa Pampanga ang sport utility vehicle (SUV) na hinihinalang ginamit sa pagtapon sa bangkay ng mag-ina.










