Tatalakayin ng prison service leaders mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang potential na ASEAN-wide prisoner swap upang mapahintulutan ang mga hinatulang mga indibidual sa ibang bansa na pagsilbihan ang kanilang sentensiya sa kanilang mga bansa.

Layunin nito na ma-develop ang camaraderie sa prison authorities at palitan ng mga impormasyon sa paghawak ng penal at corrections systems.

Kaugnay nito, sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., ang nasabing kasunduan ay magkakaroon ng mahalagang benepisyo, kabilang ang humanitarian considerations at mababawasan ang bigat sa mga foreign prison systems.

Inihalimbawa ni Catapang na kung may nakakulong na Filipino sa Singapore, pagsisilbihan niya ang kanyang sentensiya sa ating bansa.

Kasalukuyang host ang bansa sa 2nd ASEAN Regional Corrections Conference (ARCC).

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Catapang na malapit sa isa’t isa ang mga Asians, at nais nila na mapagbuti pa ang samahan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pamamahala sa penal at correctional system.

Matatandaan, nitong nakalipas na taon, sumang-ayon ang pamahalaan ng Indonesia na ilipat si Mary Jane Veloso sa bansa para ipagpatuloy ang kanyang sentensiya.