Napatunayan ng aso na si Bayani na isa siyang bayani nang gabayan niya ang mga awtoridad sa pagkakadiskubre ng 25 kilos ng iligal na droga na itinago ng mag-ina na dumating sa Cebu City sea port kaninang umaga.
Pinuri si Bayani, miyembro ng K-9 unit ng Philippine Drug Enforcement Agency in Central Visayas (PDEA-7) ng publiko nang dalhin niya ang mga awtoridad sa iligal na droga na nagkakahalaga ng P170 million.
Dumating kaninang umaga sina alias “Edward,” 41, at kanyang ina na si alias “Edna,” 63, sa Pier 4 sa Cebu City sakay ng isang sasakyan, kung saan galing sila sa Masbate.
Nagtatrabaho si Edward bilang truck driver at residente ng Isabel, Leyte habang ang kanyang ina ay nakatira sa Barangay Ermita, Cebu City.
Pinigil ang mga suspect at idinitine matapos na iniwasan nila ang inspection.
Habang isinasagawa ang inspection, naamoy ng aso na si Bayani ang kahinahinala na bagay sa loob ng malaking brown na karton na nasa loob ng sasakyan.
Nang buksan ito, nakita ng mga awtoridad ang 25 na pakete ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na nasa 25 kilos.
Sinabi ng isa sa mga suspect na napag-utusan lamang sila na ibiyahe ang sasakyan sa Cebu City mula sa Masbate at wala umano silang kaalam-alam na may nakatago na iligal na droga.
Itinanggi din ng ina na kilala niya ang tao na nag-utos sa kanila na ibiyahe ang sasakyan.
Kasabay ng nasabing operasyon, nagsagawa ang mga personnel ng PDEA-7 Seaport Interdiction Unit Cebu ng routine narcotic K9 inspection sa port.