Maaari umanong tumama sa mundo ang isang asteroid na mas malakas pa sa nuclear bomb sa 2032, ayon sa ilang eksperto.

Noong Disyembre 2024 nang una raw namataan ng El Sauce Observatory sa Chile ang naturang asteroid ngunit bahagya raw itong lumapit sa mundo sa pagpasok ng taong 2025 batay sa naging ulat ng National Aeronautics and Space Administration (NASA).

Batay umano sa kalkulasyon ng Jet Propulsion Laboratory ng NASA, tinatayang nasa 1.6% ang tiyansang tumama ito sa mundo sa Disyembre 26, 2032.

Posible umano itong direktang tumama sa silangang bahagi ng Pacific Ocean, hilagang bahagi ng South America, Atlantic Ocean, Africa, Arabian Sea at South Asia.

Dagdag pa ng NASA, may posibilidad din umano nitong mabura ang ilang siyudad sa iba’t ibang panig ng mundo kung sakaling tumama ito.

-- ADVERTISEMENT --

Tinatayang nasa mahigit 66 milyong taon na ang lumipas mula nang tumama sa mundo ang mapaminsalang asteroid na kinikilalang nagdulot ng extinction sa mga dinosaur.