Nakita rin sa kalangitan ng Cagayan kaninang 12:46 ng madaling araw ang tila isang bolang apoy, kung saan ito ay ang asteroid na tumama sa bansa.
May bilis na 39,000 miles per hour ang pagbulusok ng asteroid at nabasag ito bago ito bumagsak sa lupa.
Ang asteroid ay ang 2024 RW1.
Binigyan ng European Space Agency (ESA) ang tatlong talampakan na asteroid ng pangalan na 2024 RW1, matapos na bigyan ng pansamantalang pangalan ng CAQTDL2.