Nakuha ng isang atleta mula sa Cebu ang unang gold medal sa 2025 Prisaa National Games kahapon sa Cagayan Sports Coliseum sa Tuguegarao City.

Naidepensa ni Mark Mahinay ng Cebu para sa Central Visayas ang kanyang 5,000-meter run title sa pamamagitan ng 15 minutes at 26.3 seconds, kung saan tinalo niya si Ken Jay Moreto ng General Santos City (15:44.3) at Mark Rennel Hubag ng South Cotabato (15:44.8), na nakakuha ng siolver at bronze batay sa pagkakasunod.

Gayunman, mas mabagal ang oras ni Mahinay mula sa kanyang unang dating marka na 15 minutes at 22.9 seconds na naitala niya noong 2024 edition na isinagawa sa Legaspi.

Nahirapan si Mahinay, 23-anyos sa alinsangan sa Tuguegarao, kung saan naging hamon ang paghinga.

Sinabi ni Mahinay, bumagal sa ikalawang lap, dahil iba umano ang hangin sa lungsod, kung saan nahirapan umano siyang makahinga, kumpara sa Bicol.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila ng hamon, nagpakita si Mahinay ng isang katatagan at napanatili niya ang pangunguna sa nasabing event.