
Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na nananatiling “armed and dangerous” si negosyanteng Charlie “Atong” Ang dahil isa sa kanyang rehistradong armas ay hindi pa natatagpuan.
Kamakailan ay dinala ng Mandaluyong Police ang mga isinumiteng baril ni Ang sa PNP Firearms and Explosives Office, kabilang ang isang M16 assault rifle, tatlong semi-automatic pistols, at isang revolver.
Nilabas ng PNP ang revocation sa lahat ng baril ni Ang at sa kanyang permit to carry noong Enero 16.
Ayon sa abogado ni Ang, isa pang M16 ang nawawala mula pa noong Oktubre 2025.
Pinapatunayan pa ng awtoridad kung talagang nawawala ang nasabing baril, dahil anim ang kabuuang nakarehistrong armas sa pangalan ni Ang.
Patuloy ang Mandaluyong Police sa pagbabantay sa bahay ni Ang, kung saan naipadala na ang dalawang arrest warrants.
Si Ang ay itinuturing na fugitive mula sa batas kaugnay ng mga kasong kidnapping at homicide ng ilang sabungero.










