Inihayag ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na may mga ulat na posibleng nasa Cambodia si businessman Charlie Atong Ang.

Gayunman, nilinaw ni Remulla na hindi pa ito beripikadong impormasyon, dahil nag-set up siya ng online sabong sa Cambodia.

Subalit, sinabi niya na naniniwala silang nasa bansa pa si Ang.

Kasabay nito, sinabi ni Remulla na kumikilos na ang mga awtoridad para pagpapakansela sa pasaporte ni Ang upang mapigilan siyang lumabas ng bansa.

Idinagdag pa niya na maaaring hilingin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gobyerno ng Cambodia na arestohin si Ang kung kumpirmado ang impormasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, katulad ito ng ginawa ng Pangulo na hiniling niya sa pamahalaan ng Timor-Leste na arestohin si dating Congressman Arnulfo Tevez.

Kaugnay nito, sinabi ni Remulla na dahil sa P10 million na pabuya, marami nang natanggap na tips ang mga awtoridad na nagbunsod ng walong operasyon subalit hindi nakita si Atong Ang.