Kasama si Atty. Lorna Kapunan sa mga private prosecutors na makikiisa sa pag-alalay sa 11-member House prosecution panel sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Batay sa ulat, kumpirmadong isa si Kapunan sa mga tutulong sa prosecution team.

Nag-volunteer umano itong sumama sa House prosecution team dahil naniniwala siyang mapatutunayan nila ang kaso laban sa bise presidente.

Si Kapunan ay itinuturing na ‘legal heavyweight’ sa Pilipinas dahil sa paghahawak ng mga high profilecases; napasama sa Top 100 Lawyers in the Philippines, at isa sa 100 Most Influential Filipina Women Leaders sa mundo.

Nag-aral siya sa UP Law at Cambridge.

-- ADVERTISEMENT --

Mababatid na una nang pinuna ng abogado ang desisyon ng Senado na i-remand sa Kamara ang articles of impeachment laban kay Duterte.

Naniniwala kasi itong ang naturang hakbang ay “unconstitutional solution”.