Inilarawan ni dating presidential spokesperson Harry Roque bilang isang ‘desperate act of attention’ ang inihaing disbarment case laban sa kaniya.
Kasunod ito ng naging petisyon ni Atty. Melvin Matibag sa Korte Suprema, kasamahan dati ni Roque sa gabinete ng Duterte administration, at dating opisyal ng PDP-Laban.
Ilan sa mga naging dahilan ni Matibag para patanggalan ng lisensya bilang abugado si Roque ay ang ‘di umano’y pagiging unprofessional nito sa pamamagitan ng pagshe-share ng mga unverified na balita sa social media, kabilang na ang umano’y ‘pulvoron video’ ni Pangulong Bongbong Marcos.
Bilang tugon – sinabi ni Roque sa isang Facebook post na ang mga reklamong disbarment ay hindi na raw dapat pa isinasapubliko.
Aniya – ang social media ay protektado ng free speech.
Hindi rin umano in-admit; ‘o di-neny ni Pangulong Marcos ang naturang video.
Nanindigan si Roque na isa itong usapin ng national security lalo na’t nakasalalay daw dito ang buhay at kinabukasan ng mga Pilipino.