Kabuuang 72 miyembro ng Cagayan Police Provincial Office ang idineploy bilang karagdagang pwersa sa pagtulong sa mga apektadong mga bayan na nakararanas ng pagbaha sa lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PCAPT Sharon Mallillin, tagapagsalita ng CPPO na ang 54 PNP personnel na naideploy ay mula sa mga police station sa lalawigan na hindi apektado ng pagbaha habang ang 18 ay mula sa Provincial Mobile Force Company.

Naka-standby rin ang limampung PNP personnel sa CPPO kung kakailanganin pa ng augmentation force.

Sinabi ni Mallillin na tumutulong na ang mga naideploy na pulis sa repacking ng relief goods at sa pangangailangan ng mga evacuees.

Samantala, tuluy-tuloy ang rescue operations ng mga otoridad sa mga residente na na-trap sa kanilang mga bahay dahil sa biglaang paglaki ng antas ng tubig sa mga ilog sa downstream.

-- ADVERTISEMENT --