TUGUEGARAO CITY-Nagsimula na umanong nagsidatingan ang dagdag pwersa ng kapulisan mula sa Cordillera PNP sa lalawigan ng Abra para sa nalalapit na May 13 midterm election.
Ayon kay Police Colonel Alfredo Dangani, bagong talagang provincial director ng PNP Abra,ilan sa mga dumating ay galing sa Regional Office kung saan sampung imbestigador, legal team at tropa mula sa regional mobile force company, Special Action force(SAF), counter intelligence task force maging ang mga sasakyan at motorsiklo.
Aniya, layon nito na matulungan ang mga kapulisan sa nasabing lalawigan sa pagbabantay lalo na sa paghuli sa mga masasangkot o lalabag sa mga alituntunin sa election.
Bukod dito, Nagsimula narin umano ang reshuffling sa mga chief of police sa 27 munisipalidad ng nasabing lalawigan.
Kaugnay nito, sinabi ni Dangani na limang munisipalidad ang kanilang tinututukan sa ngayon dahil itinuturing umano itong problematik areas na kinabibilangan ng Bangued,Lagayan,Dolores,Tayum at Lagangilang