TUGUEGARAO CITY- Idineklarang special non-working day ng Palasyo ng Malacañang ang august 16, 2021 dito sa lungsod ng

Tuguegarao.

-- ADVERTISEMENT --

Sa Proclamation No. 1199 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang deklarasyon ng

holiday ay para sa pagdiriwang ng patronal fiesta o Afi Festival.

Dahil dito, sinabi ng Malacañang na dapat mabigyan ng buong pagkakataon ang mga mamamayan ng Tuguegarao

na makalahok sa selebrasyon.

Ipinaalala naman ang pagsunod sa mga alituntunin na nakapaloob sa community quarantine status ng

lungsod ng Tuguegarao gaya ng physical distancing at iba pang preventive measures laban sa covid 19.