
Naglunsad ang Department of Education (DepEd) at pamahalaan ng Australia ng P1.6-bilyong programa na layong mapahusay ang kalidad ng Senior High School (SHS) at ihanda ang mga mag-aaral para sa trabaho o mas mataas na edukasyon.
Pinangunahan nina Education Secretary Sonny Angara at Australian Foreign Affairs Minister Penny Wong ang paglulunsad ng Education Quality for Inclusive Prosperity (EQUIP) program.
Tatakbo ito mula 2025 hanggang 2030 sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Susuportahan ng programa ang work immersion, pagsasanay ng mga guro, literacy at numeracy interventions, at pakikipag-ugnayan sa mga industriya upang mas maging handa ang mga SHS graduates sa pangangailangan ng labor market.










