Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na bawal ang lahat ng uri ng ayuda mula Mayo 2 hanggang Mayo 12, 2025, sa loob ng 10 araw bago ang halalan sa Mayo 12.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, saklaw ng pagbabawal ang iba’t ibang uri ng ayuda tulad ng AICS, TUPAD, 4Ps, at ang AKAP program, maliban sa medikal at burial assistance.

Ang mga lalabag sa pagbabawal ay kakasuhan.

Ayon sa Omnibus Election Code, may kalakip na parusa ang mga paglabag, kabilang ang pagkakakulong.

In-exempt naman ng Comelec ang P20 rice project ng Department of Agriculture mula sa pagbabawal, ngunit may mga alituntunin ukol sa implementasyon nito, kabilang ang pagbebenta ng subsidized na bigas sa mga pampublikong lugar at pagbibigay ng malayang access sa media.

-- ADVERTISEMENT --