Sapilitang binasag ng isang babae ang salamin ng pinto ng isang pampasaherong bus gamit ang baseball bat sa isang insidente ng road rage sa Macapagal Avenue, Pasay City.

Ayon sa ulat, nag-ugat ang gulo sa mainitang sagutan ng drayber ng isang SUV at isang Jell Transport bus bandang alas-9 ng umaga kahapon.

Ayon sa konduktor ng kasunod na bus, kinat umano ng SUV ang kanilang kasamahan, at ang babaeng sakay nito ay unang humampas sa windshield gamit ang tumbler.

Muling bumalik ang babae, ngayon ay mas galit at armado ng tila baseball bat, at dito na binasag ang pinto ng bus — eksaktong na-video ng uploader ang insidente.

Narinig pa sa video ang sigawan at pagmumura, habang pilit ipinagtatanggol ng bus crew ang kanilang sarili.

-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng pamunuan ng Jell Transport na nakipag-ugnayan na ang may-ari ng SUV upang maayos ang insidente sa mahinahong paraan.