Hinuli ang isang babae na nagbebenta ng anim na araw na sanggol sa halagang P25, 000 sa pamamagitan ng socialmedia.

Ayon sa Department of Justice, nahuli ang babae sa isang entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation Human Trafficking Division sa Muntinlupa City.

Hindi pinangalanan ng DOJ ang babae subalit sa hiwalay na pahayag ng NBI, kinilala nila ito na si Christina Paule.

Ayon sa DOJ, kumilos ang NBI matapos na makatanggap ng tip mula sa Cyber-Tip Monitoring Center tungkol sa isang tao na umano’y na nagbebenta ng sanggol sa Facebook page.

Matapos ang intelligence gathering, isang agent ng NBI ang nagpanggap na buyer at nakipag-ugnayan sa babae na ipinakilala ang kanyang sarili na isang midwife at nag-alok na ibebenta ang sanggol.

-- ADVERTISEMENT --

Nagkita ang posuer buyer at ang babae at ipinakita ang sanggol.

Matapos na makumpirma ang kanyang balak na ibenta ang sanggol, inareto ang babae.

Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang sanggol.