Inaresto ng mga awtoridad ang isang babae dahil sa tsismis sa Santiago City, Isabela noong June 3.

Batay sa report ng Philippine National Police Anti- Cybercrime Group (PNP ACG), ang babae na 34-anyos na kinilala nilang si alyas Lorraine ay hinuli ng Santiago Cyber Response Team ng umaga ng nasabing petsa matapos na maghain ng reklamo laban sa kanya.

Ang reklamo ay nag-ugat sa online tsismis ni Lorraine tungkol sa isang indibidual, bagamat hindi na idinetalye pa ng mga awtoridad ang insidente.

Isinailalim sa kustodiya ng pulisya ang babae at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012, kung saan may itinakdang piyansa na P10,000 para sa kanyang kalayaan.

Kaugnay nito, pinuri ni Brigadier General Bernard Yang, acting director ng PNP Anti-Cybercrime Group ang mga awtoridad sa matagumpay na pag-aresto sa suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Pinaalalahanan din niya ang publiko na ang freedom of expression ay hindi nangangahulugan na may kalayaan para manakit o magpahiya ng kapwa.