Sinabi ni PLTCOL.Osmundo Mamanao, chief of police ng Baggao police station na agad silang pumunta sa crime scene matapos na idulog sa kanilang himpilan ng kamag-anak ang pagpapakamatay ng biktima na 24 anyos.

Subalit, pagdating nila sa Barangay Hacienda Intal ay wala na ang bangkay dahil dinala na ito sa Barangay Asinga-via.

Ayon kay Mamanao, sa kanilang imbestigasyon, bago ang insidente ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at kanyang live-in partner.

Umalis umano ang lalaki at nang bumalik na ito ay nakita niya na nakabitin na ang kanyang kinakasama.

Ayon kay Mamanao, posibleng dinibdib ng babae ang pagtatalo nila ng kanyang kinakasama kaya siya nagpakamatay.

-- ADVERTISEMENT --