Natagpuang nakasilid sa isang maleta kahapon ang isang babae na unang iniulat na nawawala ng halos isang linggo na palutang-lutang sa ilog sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Sinabi ni PCMS Adrian Nolasco, station commander of SJDM Police Community Precinct 2, nakatanggap sila ng reklamo na may nangangamoy na mula sa lumulutang na maleta sa Sapang Alat River, na nasa hangganan ng North Caloocan at Bulacan.
Ayon kay Nolasco, nakita nila ang bahagyang nakabukas na maleta at ang laman nito na isang bangkay.
Sinabi niya na ang biktima ay menor de edad at may mga sugat sa kanyang katawan.
Posible aniya na tinangay ng agos ng tubig ang maleta mula North Caloocan sa bahagi ng ilog na sakop ng SJMP, Bulacan.
Ayon kay Nolasco, sinabi ng pamilya ng biktima na nagpaalam ang anak sa pumunta sa bahay ng kaibigan noong February 7.
Tinawagan umano siya ng isang kaibigan at sinabing sunduin siya dahil binugbog siya ng kanyang asawa.
Nakita sa CCTV footage na nag-aalangan ang biktima na pumunta sa bahay ng kaibigan dahil sa natatakot siya na maging siya ay saktan ng asawa, batay sa narinig na pag-uusap ng mga ito sa telepono.
Sa hiwalay na CCTV footage, nakita ang biktima na naglalakad papunta sa bahay ng kaibigan sa North Caloocan ng gabi ng Feb 7.
Ayon sa pamilya, simula noon ay hindi na nagparamdam ang biktima, nawala ang kanyang account sa Facebook at hindi na rin siya matawagan.
Hinanap nila ang biktima at nagpasiya sila na i-report na siya ay nawawala noong Feb 10.
Kasalukuyan pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagpatay sa biktima, subalit sinabi ng mga pulis na mayroon na silang persons of interest.