Tuguegarao City- Patay ang isang babae matapos tumilapon sa palayan ng mawalan ng conrol sa minamanehong motorsiklo sa brgy. Lacambini, Tuao,Cagayan.

Kinilala ang nasawi na si Imelda Bustamante, 48 anyos at residente ng Brgy. Annafunan, Tuguegarao City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PEMSGT Marvin Millan, imbestigador ng PNP Tuao, itinawag ng isang barangay kapitan sa kanila ang nadisgrasya sa kanilang barangay.

Aniya ay pauwi umano ng Tuguegarao si Bustamante na galing sa kanyang mga kaibigan sa nasabing lugar ng maganap ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa imbestigasyon ay maaaring hindi na nakontrol ni Bustamante ang kanyang pagmamaneho dahil sa ng epekto ng alak.

Nabatid pa na wala ring suot na helmet ang biktima sa pagmamaneho nito ng kanyang motorsiklo.

Isinugod pa sa pagamutan si Bustamante ngunit idineklara itong dead on arrival.