Labis ang pasasalamat ng isang babae sa Maryland, USA sa pamahiin dahil sa makakating palad ng kanyang mga anak na dahilan ng kanyang pagkapanalo ng $50,000 (katumbas ng P2.5 milyon).

Ayon sa babae na kinilala lamang sa pangalang Lucy, sabay-sabay na nangati ang palad ng kanyang mga anak dahilan upang mapabili siya ng isang scratch-off na lottery ticket.

Bumili siya ng tig-$5 (katumbas ng P250) at iniuwi ito sa kanyang 36-anyos na anak, na siyang nakadiskubre na napanalunan nila ang $50,000 jackpot.

Buong pag-iingat ang ginawa ni Lucy sa ticket, na itinago niya sa ilalim ng kanyang unan hangga’t hindi nakukubra ang kanilang panalo.

Plano namang gagamitin ni Lucy ang napanalunang pera sa pagbabakasyon at ipangtustos ito sa walo niyang apo.

-- ADVERTISEMENT --