Binansagan ang isang babae sa Vietnam na “sleepless mutant” dahil sa hindi umano siya natutulog.
Ayon kay Nguyen Ngoc My Kim, 49 years old na kilala na “the seamstress who never sleeps” sa kanyang lalawigan sa Long An na nananatili siyang gising sa nakalipas na tatlong dekada.
Gayonman, sinabi niya na hindi naman unamo apektado ang kanyang kalusugan kahit hindi siya dinadalaw ng antok.
Nilinaw daw din niya na hindi siya ipinanganak sa nasabing kundisyon sa halip ay sinanay niya ang kanyang sarili na magpuyat noong siya ay maliit pa lamang.
Ayon sa kanya, napupuyat siya dahil sa nawiwili siya sa pagbabasa ng mga libro, at nang magsimula siyang magtrabaho bilang seamstress o mananahi, halos hindi siya natutulog sa gabi dahil sa kailangan niyang tapusin ang mga orders.
Hanggang sa napagtanto niya na hindi niya kailangang matulog hanggang sa lagi na nga siyang gising.
Inamin naman niya na sa ilang pagkakataon na nagtatrabaho siya sa gabi ay may pagkakataon na nahirapan din siya.
Ayon sa kanya, madalas siyang natutulog at lagi siyang nagkakamali sa pananahi, subalit madalas siya na nakaranas ng pagod at pagkahilo, at nasangkot din siya sa traffic accidents.
Kaugnay nito, kailangan pa ng medical verification sa sinasabing tatlong dekadang insomia ni Nguyen Ngoc Kim.
Subalit, ito ay itinuturing na tsismis dahil sinabi niya na nakikita siya ng mga tao na buong araw hanggang sa gabi na nagtatrabaho dahil siya hindi siya umaalis sa kanyang sewing stall.
Laging bukas ang ilaw at pintuan, kaya puwede lang na pumasok o sumilip ang sinuman para panoorin siya.
Naging laman ng balita sa social media si Kim, at nalulula siya sa mga bisita mula sa buong Vietnam para lang kilalanin siya at patunayan kung totoo ang tsismis.