
Nasawi ang isang babae matapos siyang saksakin at gilitan sa leeg ng kanyang live-in partner sa Barangay 31, Caloocan City noong Bisperas ng Pasko.
Sa kuha ng CCTV footage, makikita na nagtatalo ang biktima at ang suspek bago naganap ang insidente.
Ilang sandali matapos marinig ang sigaw ng biktima, natagpuan siya ng kanyang mga kaanak na wala nang buhay sa gilid ng kalsada.
Ayon sa pulisya, hawak na nila ang CCTV footage na nagpapakita na hinila ang biktima sa pagitan ng dalawang nakaparadang sasakyan bago ang krimen.
Sinabi ng ina ng biktima na dumalaw ang kanyang anak at ang kinakasama nito sa kanilang bahay upang ipagdiwang ang Pasko.
Ibinahagi naman ng kapatid ng biktima na madalas umanong nagtatalo ang magkasama dahil sa personal na alitan.
Ayon pa sa pamilya, nagkuwento ang biktima na nakararanas umano siya ng kapabayaan mula sa kanyang kinakasama.
Sa kasalukuyan, patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang suspek.










