Humarap sa korte sa Sydney ang isang babaeng Australian na nagsabing siya ay half-sister ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa gulo dahil sa kalasingan sa airliner at nangako na hindi iinom ng alak sa mga paliparan o sa mga eroplano habang siya ay nakapiyansa.

Inakusahan si Analisa Josefa Corr ng pag-atake sa kapwa pasahero sa labas ng banyo ng eroplano matapos na uminom siya ng alak kasama ang kanyang asawa na si James Alexander Corr na dinala nila sa kanilang flight.

Nang lumapag ang eroplano sa Sydney, dinala sila sa malapit na himpilan ng pulisya at sinampahan ng asunto.

Sinabi ni Analisa, 53 anyos, na siya ay anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr..

Ayon pa sa kanya, siya ay half-sister ni Pangulong Marcos Jr.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, itinanggi ni Marcos ang mga ulat ng relasyon ni Corr sa kanyang ama at tinawag ito haka-haka.

Ang ina ni Analisa ay ang Australian model na si Evelin Hegyesi, na sinasabing nagkaroon ng relasyon kay Marcos Sr. noong 1970s noong siya ay 19 years old.

Napangasawa ni Marcos Sr. si Imelda Marcos, kung saan mayroon silang tatlong anak.

Batay sa online biography, si Analisa ay isang interior designer, photographer, at may-ari ng photography business na nakabase sa Gold Coast sa estado ng Queensland.

Ang kanyang middle name na Josefa, ay ang first name ng ina ni Marcos Sr.

Sa pagharap ni Analisa at kanyang asawa sa Downing Center Local Court, ibinalik ni Deputy Chief Magistrate Michael Antrum ang kanilang pasaporte, kaakibat ng mga kundisyon na hindi sila iinom ng alak sa eroplano o sa Autralian international o domestic airport departure halls.

Nag-deposit ang mag-asawa ng tig – 20,000 Autralian dollars, at hindi na ibabalik kung lalabag sila sa mga kundisyon.

Kinasuhan sila ng kabiguan na tumugon sa cabin crew safety directions at pag-inom ng alak na hindi ibinigay ng flight attendants sa Jetstar domestic flight noong December 28, 2024.

Nag-plead not guilty ang mag-asawa sa mga asunto na inihain laban sa kanila noong Lunes, at babalik sila sa korte sa February 24.