Patay ang isang 17-anyos na babaeng estudyante matapos mahulog ang sinasakyang tricycle sa irigasyon sa Echague, Isabela, kasama ang tatlo pang mag-aaral.
Nangyari ang insidente noong Huwebes ng hapon sa Barangay Maligaya.
Sa imbestigasyon ng pulisya, isang estudyante rin na lalaki ang nagmaneho sa tricycle at sakay niya ang tatlong babae na pawang estudyante rin.
Binabagtas nila ang kalsada pauwi mula sa paaralan nang mawalan umano ng kontrol sa manibela ng tricycle ang driver nito kaya nahulog sila sa irigasyon.
Nakaahon mula sa tubig ang driver at dalawa niyang sakay pero hindi nakaahon ang isa nilang kasama.
-- ADVERTISEMENT --
Bigong mahanap ng mga rescuer ang biktima sa araw nang mangyari ang insidente at nakita ang kaniyang katawan kinaumagahan na.