Aksidenteng nabisto ang kalokohan ng isang 49 year old na babaeng German na nagpanggap na empress ng non-existent kingdon at nakikisalamuha sa mga elite sa Italy.

Si Sandra Nicole Martinez, na ipinapakilala ang kanyang sarili na “her royal higness” o “her imperial highness” ay naging regular sa exclusive parties at social events sa Rome matapos na ipakilala siya ng legendary Italian socialite Guya Sospicio ilang taon na ang nakalilipas.

Wala namang kumuwestion sa kanyang mga sinabi na isang siyang empress ng Imperial House of Glodeni, isang royal house na may headquarters sa Beirut, Lebanon, bagamat sa simpleng google search ay makikita na ang Glodeni ay isang bayan sa isang maliit na European country ng Moldova.

Nagsimula ang pagbagsak ng fake empress noong Marso ngayong taon nang bumagsak ang isang pader sa Trastevere district sa Rome, kung saan maraming sasakyan ang nasira.

Kabilang sa mga ito ang Ferrari na minamaneho ni Martinez na nadiskubre ng mga imberstigador na expired na ang license plates, walang registration at walang insurance.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, marami ang nagtaka kung saan may iba pang nalaman ang mga imbestigador tungkol sa sasakyan ni Martinez.

Natuklasan pa ng mga pulis na nagmamaneho at ipinaparada ng empress of Goldeni ang kanyang luxury cars sa historical center ng Rome at iniiwasan ang license plate cameras dahil alam niya na ang multa ay hindi sa kanyang pangalan.

Sa ngayon, sinabi ng mga otoridad na nahaharap si Martinez ng hanggang 100,000 euros dahil sa pagmamaneho ng walang lisensiyang mga sasakyan na mayroon pekeng license plates.