Pinagbabaril-patay ang isang babaeng mayor sa isang bayan sa Mexico, ilang oras lamang kasunod ng selebrasyon sa pagkakapanalo ng kanilang kauna-unahan na babaeng presidente na si Claudia Sheinbaum.
Tinambangan si Yolanda Sanchez ng gunmen sa Cotija, Michoacan.
Ayon sa ulat, 19 ang tama ng baril ni Sanchez at namatay siya sa ospital.
Namatay din sa nasabing pamamaril ang kanyang bodyguard na nakipagbarilian sa mga gunmen.
Wala pang naaaresto kaugnay sa nasabing krimen subalit pinaniniwalaan ng mga otoridad na ang mga salarin ay miyemro ng organised crime group.
Una rito, sinabi ni Sanchez na nakatanggap siya ng banta sa kanyang buhay noong umupo siya sa pwesto noong 2021.
Dinukot din siya ng armadong grupo nang bumisita siya sa Jalisco noong 2023 kung saan sinabi niya na tinakot at may hinihingi ang mga dumukot sa kanya.
Ayon sa kanya, sinabihan siya na ipasakamay ang seguridad ng kanyang bayan sa state police officers.
Pinaniniwalaan na isang cartel na sangkot sa drug trafficking at pagdukot ng mga opisyal ang nasa likod ng nasabing insidente.