Nabisto ang modus ng isang babae na nahuling nagbayad ng pekeng pera sa isang plant vendor sa Tuguegarao City, kaninang hapon.

Sa ulat ng Tuguegarao City police, nagreklamo sa pulisya ang tinderang si Lina Daquioag, 53-anyos, at residente ng Barangay Linao East matapos niyang mahawakan ang P1,000 bill na pinambayad ng 26-anyos na si Jahara Sali ng Taguig City.

Matapos suklian ng P850 ay dito na napansin ng biktima na peke ang ipinambayad sa kanya ng suspek para sa biniling dalawang halaman.

Kakasuhan ang suspek sa ilalim ng Article 168 ng Revised Penal Code o illegal possession of counterfeit treasury and bank notes.