Patay ang isang babaeng nagbebenta umano ng Shabu matapos itong bariliin sa ulo ng isang lalaki sa Barangay Cupang, Antipolo City.

Ayon sa Acting Chief of Police ng Antipolo PNP na si Lt. Col. Mark Henry Garcia, sa inisyal na imbestigasyon ay binentahan umano ng babaeng biktima ang lalaking suspek ng shabu.

Nang tinanggihan ito ng suspek ay pinagmumura umano sya ng babaeng biktima.

Napikon ang suspek kung kayat sinundan nito ang babaeng biktima at doon na nya ginawa ang pamamaril.

Dahil dito ay nagsagawa agad ng hot pursuit operation ang mga operatiba at doon na nahuli ang nasabing suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Narekober ang baril na ginamit sa biktima na tinapon ng suspek malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Lumabas naman na negatibo sa ilegal na droga ang suspek ngunit ito ay may existing warrant of arrest para sa kasong robbery.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing krimen habang nahaharap ang nasabing akusado sa kasong murder.