Binawian na ng buhay ang isang babaeng rider matapos na matumba ang minamanehong motorsiklo sa bayan ng Sanchez Mira.
Kinilala ang biktima na si alyas Lin, 22-anyos at residente ng Brgy Namuac.
Ayon kay Pat. Lauro Artes Jr, imbestigador, galing sa inuman ang biktima at matapis ihatid ang isang kasama ay hindi nito nakontrol ang manibela sa pakurbada at madilim na bahagi ng lansangan sa Brgy Dakal.
Binalikan naman ito ng kanyang mga kasamahan matapos mapansin na wala ito sa likuran subalit nadatnan nila itong nakaupo at nakayuko habang nakatumba ang motorsiklo nito sa gitna ng lansangan.
Naisugod pa sa pinakamalapit na ospital ng kanyang mga kasamahan ang biktima hanggang sa inilipat sa Cagayan Valley Medical Center subalit madaling araw ng nasawi ito dahil sa malubhang tama sa kanyang noo.