Hinuli ang isang South African national dahil sa pagtatangkang magpuslit ng illegal drugs na nagkakahalaga ng P35.8 million sa bansa sa
Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi ni Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) chief Brig. Gen. Eleazar Matta, ang 35 anyos na babaeng suspect, na hindi kinilala ay nahuli sa operasyon ng mga miyembro ng NAIA Interagency Drug Interdiction Task Group sa international arrival area sa Terminal 3 ng paliparan.
Nakuha sa suspect ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng mahigit 5.2 kg. ng pinaghihinalaang shabu.
Dinala ang nasabing iligal na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa documentation at disposition procedures.
Mahaharap ang suspect sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.