Ipinag-utos ng Archbishop ng Ozamis ang pansamantalang pagsasara ng simbahan ng St. John the Baptist sa Jimenez, Misamis Occidental matapos na duraan ng isang babae ang hoy water font.

Nagdulot ng galit sa marami ang kumalat sa social media na video ng babae na nakitang dinuraan ang holy water font.

Tinawag naman ito ni Archbishop Martin Jumoad na isang “grave act of sacrilege.”

Sinabi ni Jumoad na mananatiling sarado ang nasabing simbahan hanggang sa susunod na abiso bilang senyales ng penitensiya at reparation.

Ayon sa kanya, ito ay pagpapakita ng conversion of heart at communal purification batay sa turo ng Katoliko.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa ni Jumoad na upang maibalik ang sanctity ng simbahan, isasagawa ang Holy Hour of Adoration at Solemn Confessions bukas ng alas-3 ng hapon.

Sinabi niya na muling bubuksan ang simbahan sa sandaling maisagawa ang nararapat na acts of penance, tulad ng pakikiisa sa Holy Hour and confession at pastoral assessment.

Binigyang-diin ni Jumoad na kailangan na agad na isagawa ng babae ang pangungumpisal at tapat na pagsisisi upang maibalik ang kanyang estado sa community of faith.

Samantala, humingi na rin ng paumanhin ang nasabing babae, 28-anyos at isang vlogger dahil sa kanyang ginawa.